Halos 80 hotels sa bansa, naabot na ang full capacity dahil sa mga returning Filipino

Kinumpirma ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) na naabot na ng 78 hotels sa bansa ang full capacity nito.

Kasunod ito ng apela ng Philippine College of Physicians (PCP) kay Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin ang mga hotel bilang quarantine facilities para ma-decongest ang mga ospital dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay PHOA President Arthur Lopez, karamihan sa mga hotel sa bansa ay inookopa ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para sa mga returning Filipino migrant workers.


Aniya, sa katunayan ay humahanap pa nga ang OWWA ng karagdagang hotels dahil sa patuloy na pagdating ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs).

Sinabi naman ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. at Isolation Czar Mark Villar na mas praktikal ang magtayo ng karagdagang mga pasilidad gaya ng modular facilities kaysa gawing “treatment center o hospital facility ”ang mga hospital.

Paliwanag ni Villar, “logistically” ay mahirap kung masyadong malayo sa mga ospital ang hospital extension o pasilidad.

Ito aniya ang rason kung bakit nakatutok ang DPWH na ma-maximize o magamit ang mga lote na nasa tabi ng mga ospital na maaaring pagtayuan ng mga pasilidad.

Facebook Comments