Nakapagtala na ang Joint Task Force (JTF) COVID Shield nang 7,889 na mga motorcycle riders na lumabag sa backriding policy at iba pang traffic rules and regulations.
Sa ulat ni JTF COVID Shield Commander Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga violators ay naitala mula August 1 hanggang August 4, 2020.
7,418 sa mga violators ay hinuli dahil walang gamit na barrier, reckless driving at overloading passenger.
Habang ang 471 na mga violators ay nag-install nga ng barrier pero overloading passenger naman.
Ang mga lumabag ay binigyan ng citation tickets at dinala sa police station.
Batay sa utos ng IATF, ang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay pinapayagan na ang magka- angkas sa motorsiklo kahit hindi couple pero dapat ay may naka- install na barrier na ang design ay aprubado rin ng gobyerno.