Halos 8,000, naitalang gumaling sa COVID-19 ngayong araw

Pumalo na sa 1,560,106 ang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa bansa matapos nadagdagan ng 7,937 ngayong araw.

Mayroon namang 8,900 na naitalang bagong kaso dahilan para umabot na sa 78,480 ang mga aktibong kaso.

Sa ngayon, kabuuang 1,667,714 na ang tinamaan ng COVID-19 sa bansa.


Anim naman ang binawian ng buhay kaya umabot na sa 29,128 ang kabuuang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

Facebook Comments