2 pulis patay habang 21 sugatan sa isang pagsabog sa Pakistan

Dalawang pulis ang patay habang 21 ang naitalang sugatan sa isang pagsabog sa Balochistan, Pakistan.

Batay sa imbestigasyon, kinabit ang bomba sa motor kung saan nilagay malapit sa van na puno ng mga pulis.

Nabatid namang 12 na pulis ang nasaktan habang apat sa biktima ay napadaan lamang nang mangyari ang pagsabog.


Sa ngayon, hindi pa tukoy ng otoridad ang salarin sa pagpapasabog.

Facebook Comments