Kinumpirma ni Department of Health (DOH) OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na 8.42% ng COVID-19 vaccine ang nasayang.
Ayon kay Vergeire, ilang porsyento sa mga ito ay nag-expire habang ang ilan ay tumagas at nasira ang vials.
May ilan din aniyang mga bakuna ang nasira dahil sa kalamidad kung saan nawalan ng kuryente at hindi umabot sa required na temperature.
Ayon sa DOH, mahigit 90% na ng adult Filipinos ang nabakunahan kontra COVID-19.
21% naman ang nakakatanggap pa lamang ng booster shot.
Karamihan aniya sa mga ayaw magpa-booster dose ay kumpiyansa na sa kanilang shots habang ang iba ay takot sa side effects.
Facebook Comments