Validity ng plaka na nagtatapos sa 8, 9 at 0, extended ang pagpaparehistro ayon sa LTO

333

Extended ng isang buwan ang validity ng rehistro ng mga sasakyan na nagtatapos sa 8,9 at 0.

Ang plaka ng sasakyan na may ending 8 ay dapat mag-renew ng rehistro sa buwan ng Agosto.

Pero dahil sa utos ng Land Transportation Office (LTO), extended ng isang buwan ang validity ng rehistro ng sasakyan o maaaring mag-renew ng rehistro ng sasakyan hanggang September 30, 2022.


Ang sasakyan na may ending 9 na dapat ay September ang renewal ng rehistro ng sasakyan ay maaaring magrehistro hanggang October 31,2022 at ang sasakyan na may ending 0 na dapat mag-renew ng rehistro ng sasakyan ng October ay maaaring magrehistro ng sasakyan hanggang November 30, 2022.

Ginawa ng LTO ang one month extension sa validity ng rehistro ng mga sasakyan dahil sa aberya o glitches ng LTO Management System Portal.

Bumagal kasi ang sistema ng operasyon ng LTO kaya’t marami ang nagrereklamo ng mabagal at matagal na pagrerehistro ng sasakyan.



Facebook Comments