DFA, nakapagtala ng 3 Pinoy sa abroad na gumaling sa COVID-19

31

Nakapagtala ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng 3 na mga Pilipino sa abroad na gumaling sa COVID-19.

Dahil dito, umabot na sa 11,292 ang recoveries sa mga Pinoy sa ibang bansa.

Nadagdagan naman ng 41 ang mga Pilipinong tinamaan ng COVID-19 sa abroad na umabot na ngayon sa 18,457.


Habang nasa 1,147 ang bilang ng nasawi at 6,018 ang nagpapagaling sa mga Pinoy sa abroad.

Facebook Comments