Halos 9,000 indibidwal, apektado ng pananalasa ng Bagyong Quinta sa Bicol Region

Iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na may 8,939 indibidwal o katumbas ng 2,407 families ang naapektuhan na nang pananalasa ng Bagyong Quinta sa Bicol Region.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, 1,461 families sa mga apektado ng Bagyong Quinta ay nananatili ngayon sa evacuation centers habang ang 946 families ay nakituloy sa kanilang mga kaanak.

Sinabi pa ni Timbal na ang mga apektadong indibidwal ay naitala sa 33 barangay sa Bicol Region na apektado ng pananalasa ng bagyo.


Bukod sa mga affected families, na-monitor rin ng NDRRMC ang 569 indibidwal na stranded sa iba’t ibang pantalan sa Bicol.

Facebook Comments