Komunistang terorista, patay sa sagupaan sa North Cotabato

128

Nasawi ang isang komunistang terorista matapos na makasagupa ang tropa ng militar sa Barangay Arakan, Matalam, North Cotabato.

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP-WESTMINCOM), 12 mga komunistang terorista ang nakasagupa ng tropa ng 602nd Infantry Brigade na nagtagal ng 20 minuto.


Walang naitalang sugatan o nasawi sa panig ng mga sundalo.

Nakuha ng militar sa namatay na komunistang terorista ang isang M16A1 rifle, tatlong magazines, assorted ammunition, dalawang cellular phone at mga propaganda materials.

Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagtugis ng military sa mga nakasagupang mga local terrorist sa lugar.

Facebook Comments