Nanatili pa rin sa may 601 evacuation centers sa iba’t ibang lugar sa Region 4-A ang abot sa 5,719 na mga pamilya na lumikas sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Karding.
Base sa ulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), bahagi sila sa 119,760 na mga pamilya mula sa 68 bayan sa buong rehiyon na apektado ng nagdaang Bagyong Karding.
Sa bayan ng Laguna, naitala ang pinakamaraming evacuation centers na abot sa 251, sunod ang Quezon Province na may 160, Rizal na may 96, Batangas 64 at Cavite na may 30 evacuation center.
Pinakamaraming evacuees naman ay nakakanlong sa mga evacuation centers sa Quezon province na abot sa 2,065 pamilya sunod ang Rizal at Laguna.
Sa ngayon, umabot na sa ₱16.69 million halaga ng tulong ang naipaabot ng kagawaran sa mga lokal na pamahalaan at mga apektadong pamilya.
Kabilang sa mga tulong na ito ay ang food at non-food items at cash assistance para sa mga nasiraan ng bahay.