Ika-siyam na cabinet meeting na pinangunahan ni PBBM, sumentro sa economic transformation

68

Naging sentro sa isinagawang ika-siyam na cabinet meeting ng Marcos administration ang economic transformation.

Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na tinalakay ng Maritime Industry Authority (MARINA), Commission on Higher Education (CHED) at Department of Migrant Workers (DMW) ang usapin sa pagtiyak na nasusunod ang Standard of Training Certification and Watch Keeping o STCW.

Habang tinalakay naman ng Department of Labor and Employment o DOLE at CHED ang pag-upgrade ng skills ng Filipino workforce.


Sinabi ni Angeles, ito ay bahagi ng Economic Transformation Program ng Marcos administration kung saan bahagi nito ang educational aspect at vocational training skills ng mga Pilipino.

Facebook Comments