HALOS APAT NA LIBONG ISKOLAR SA ALAMINOS CITY, NAPAMAHAGIAN NG TULONG PINANSYAL

Sinimulan ng Pamahalaang Lungsod ng Alaminos noong Nobyembre 15 ang dalawang-araw na pamamahagi ng allowances at sertipiko para sa mga iskolar sa Category B ng unang semestre ng Academic Year 2025–2026.

Nagtapos ang distribusyon noong Nobyembre 16 sa Don Leopoldo Sison Convention Center.

Aabot sa 3,813 iskolar ang nakatanggap ng tulong pinansyal.

Sa unang araw, nagbigay ng inspirasyong mensahe ang panauhing tagapagsalita tungkol sa kahalagahan ng pagsisikap at determinasyon sa pag-aaral.

Nagpaabot rin ng suporta ang mga kinatawan ng scholarship board sa mga estudyante.

Maayos at organisado ang pamamahagi sa dalawang araw, na pinangunahan ng mga scholarship coordinator, upang matiyak na natanggap ng mga iskolar ang kanilang allowances at sertipiko nang maayos. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments