HALOS APATNAPUNG BOGA, KUMPISKADO SA OPERASYON NG PNP SA POZORRUBIO

Nakumpiska ang halos apatnapung mga ipinagbabawal na paputok na Boga ang kapulisan sa kanilang ikinasang operasyon sa bayan ng Pozorrubio.
Ito ay bunga ng maghapon na pagsuyod sa iba’t-ibang barangay sa bayan kung saan ay umaabot sa tatlumpu’t siyam ang kumpiskado.
Alinsunod din ito sa ordinansa ng munisipyo na nagbabawal sa paggamit ng nasabing mga paputok.

Halos lahat naman ng nasita na gumagamit ng boga ay pawang mga menor de edad. |ifmnews
Facebook Comments