Nasa halos dalawang libong mga Dagupeno na apektado pa rin ng matinding pagbaha sa Dagupan City ay pansamantalang nananatili pa rin sa labing-anim o 16 na evacuation centers ng lungsod. Katumbas nito ang nasa mahigit limang daan o 500 na mga pamilya.
Ayon sa ilang mga evacuees na nakapanayam ng IFM Dagupan, lagpas tao raw ang pagbaha sa ilang mga sitios o purok sa kanilang barangay kaya’t kahit na labag umano sa kanilang kalooban ang lumikas ay napilitan ang mga ito na magtungo sa mga evacuation centers ng kani-kanilang Barangay.
Alalahanin din nila ang kanilang mga bahay at mga gamit na hindi na naisalba dahil sa lalim na ng tubig pagkatapos humagupit ang nagdaang bagyo.
Panawagan umano ng mga ito ang tulong mula sa lokal na pamahalaan ng lungsod kaugnay sa magiging kanilang muling pagbangon pagkatapos humupa ang pagbaha at bumalik ang mga ito sa kani-kanilang kinaroroonan.
Samantala, tiniyak naman ng LGU Dagupan sa pakikipag-ugnayan sa mga Barangay DRRMC at iba pang katuwang na ahensya at departamento na maipamahagi ang mga pangangailangan ng mga evacuees tulad ng tubig, pagkain at mga gamot kasama rin ang mga banig, kumot at unan habang sila ay pansamantalang lalagi sa mga evacuation centers.
Matatandaan naman na nasa halos 30, 000 families o 116, 000 na mga Dagupenos ay apektado ng nasabing pagbaha. |ifmnews
Facebook Comments