Halos dalawang milyong local at overseas workers, makikinabang sa Bayanihan 2

Inaasahang makikinabang mula sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang nasa 1.9 million na manggagawa kabilang ang Overseas Filipino Workers (OFWs).

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, makakapagbigay sila ng ayuda sa ilalim ng Bayanihan 2 sa isang milyong informal workers, 700,000 formal workers at 200,000 OFWs.

Sa ilalim ng Bayanihan 2, mabibigyan ng pondo ang assistance programs ng DOLE tulad ng Emergency Employment Program (EEP) para sa informal sector workers na Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) program.


Kasama rin sa mapopondohan ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), isang one-time financial support na nasa ₱5,000 para sa mga apektadong manggagawa.

Ang OFWs naman ay matutulungan sa ilalim ng Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) na nagbibigay ng ₱10,000 cash aid.

Facebook Comments