Bakunado na laban sa corona virus disease o COVID-19 ang halos dalawang milyong indibidwal mula sa Pangasinan.
Sa kabuuang bilang nasa 1.9 milyong o 75% na residente sa lalawigan ang naturukan na ng kanilang bakuna laban sa virus.
Ayon kay Dr. Anna Maria De Guzman, nasa dalawang milyon mahigit na rin ang nakatanggap ng kanilang first dose ng bakuna.
Dagdag pa ni De Guzman, karamihan sa mga hindi pa nakakatanggap ng bakuna ay ang mga edad 5-11 kung saan ang iba naman ay mayroon pa ring takot sa bakuna.
Samantala, Sa pinakahuling datos ng PHO mayroon na lamang dalawangpung aktibong kaso sa lalawigan kung saan mababa na lamang ito kung ikukumpara noong nakaraang buwan.
Patuloy naman ang paghikayat ng mga otoridad na sundin pa rin ang mga health protocols at kunin na ang pagkakataong makapagpabakuna para sa proteksyon ng bawat isa. | ifmnews
Facebook Comments