Pilipinas, mananatiling neutral pagdating sa digmaan ng Russia at Ukraine – Pangulong Duterte

Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na mananatiling neutral ang pilipinas pagdating sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Sa kaniyang talumpati kahapon, sinabi ng Pangulo na mas makabubuting hindi tayo madamay sa kaguluhang nangyayari sa Europe.

Hindi rin aniya magpapadala ang Pilipinas ng mga sundalo kahit hilingin ng Estados Unidos dahil maaari lamang na lumala ang digmaan.


Sa kabila nito, matatandaang una nang sinabi ni Ambassador to the United States Jose Romualdez na handa si Pangulong Duterte na ipagamit ang mga pasilidad ng bansa sakaling kailanganin ito ng Amerika.

Facebook Comments