Halos isang kilo ng ‘Shabu’ nadiskobreng palutang-lutang sa baybayin ng Burgos, Ilocos Norte

iFM News Laoag – Narekobre ng mangingisda sa bayan ng Burgos sa Lalawigan ng Ilocos Norte ang isang bulto ng shabu na palutang-lutang sa dagat ng nasabing bayan.

Agad na pinuntahan ito ng Ilocos Norte Crime Laboratory ng Philippine National Police at ito ay kompirmadong laman ay shabu.

Aabot sa 900 grams ang bigat ng nasabing shabu o nagkakahalaga ng PhP1,170,000.00 hanggang dalawang milyong piso ito.

Inaalam pa ng mga otoridad kung kabilang ito sa mga lumulutang na shabu na natagpuan sa probinsia ng Ilocos Sur kamakailan dahil lumalabas di umano na ito ay halos magkaparehas ang mga label o marka.

Nagpapatuloy parin ang imbestigasyun ng Philippine National Police at Dangerous Drugs Board ang mga nakakalat na shabu sa babayin ng Ilocos Region na nakakaalarma ngayon sa seguridad at banta sa illegal na droga sa Ilocandia. | via Bernard Ver @ RMN News


Facebook Comments