HALOS ISANG LIBONG SOLO PARENTS SA BAYAN NG MANGALDAN, SUMAILALIM SA TUPAD PROFILING

Nasa halos isang libong solo parents na ang sumailalim sa Tulong Panghanapbuhay sa Disadvantaged/Displaced (TUPAD) profiling sa ilalim ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 1.
Kasabay nito ang pagsusuri ng mga documentation na kanilang ipinapasa kaugnay sa mga naging accomplishment ng benepisyaryo sa paglilinis na ipapasa sa Community Affairs Office (CAO).
Nasa kabuuang Php 4,000 o Php 400 kada araw ang makukuhang payout pagkatapos ng sampung araw na kanilang pagtatrabaho.

Samantala, ipinaalala na ng ahensya na , hindi rin maaaring maging benepisyaryo ang mga nagtatrabaho sa gobyerno gayundin ang mga tumatanggap ng benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps). |ifmnews
Facebook Comments