Halos isang milyong doses na ng bakuna, naiturok na sa Quezon City

Inihyaag ngayon ng Quezon City Government na halos isang milyong doses ng COVID vaccine ang naiturok na sa mga taga-Quezon City.

Sa pinakahuling ulat ng Quezon City Government, umabot na sa 979,276 doses ng bakuna ang naibigay sa mga residente sa tulong ng mga Healthcare Worker, Staff at Volunteers.

Ayon sa QC Local Government Unit (LGU) sa kabuuan, 686,226 o 40.37% ng 1.7 Million na target population ang nabakunahan na ng kanilang first dose habang 293,050 o 17.24% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.


Samantala, nasa 97.5% o 101,257 na ang gumaling sa COVID-19 sa lungsod.

Mayroon na lamang na 1,406 ang kumpirmadong active cases mula sa 103,858 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod.

Facebook Comments