ARTA, kinumpirma na sasama na sa kanilang Anti-Fixer campaign ang DOTr

Naghayag na ng kahandaan ang Department of Transportation (DOTr) na makikiisa sa Anti-Fixer Campaign ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).

Ayon kay ARTA Secretary Jeremiah Belgica, kinumpirma na sa kanila ni DOTr Undersecretary for Legal Affairs Atty. Reinier Paul Yebra na lahat ng sangay ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sasama na rin sa kampanya.

Una nang sumulat si Belgica sa DOTr na hinihiling ang kanilang partisipasyon sa kampanya ng ARTA laban sa fixers.


Kasunod nito ang pagka-aresto ng siyam na fixers sa labas ng iba’t ibang sangay ng LTO mula May hanggang June 2021.

Paliwanag ng kalihim na makakatulong sila sa paghuli ng mga fixer sa loob at paligid ng DOTr at mga attached agencies, gayundin ang pagsasampa ng mga kaso.

Facebook Comments