Umabot na sa halos isang milyon ang bilang ng mga bakwit na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Taal.
Ito ay matapos ipatupad ang lockdown sa 14-kilometer danger zone.
Ayon kay Batangas Governor Herminlando Mandanas – tinatayang nasa 200,000 katao ang nananatili sa evacuation centers sa Batangas, Laguna, Cavite at Quezon.
Nasa 800,000 naman ang nakikituloy sa kanilang mga kaanak.
Aniya, ang datos na ito ay base sa bilang ng populasyon nakatira sa loob ng idineklarang lockdown areas.
Ang provincial government ng Batangas ay kasalukuyang nagpapatupad ng mandatory evacuation sa loob ng 14-kilometer radius.
Ang mga bayan na nasa ilalim ng lockdown ay:
- Talisay
- Laurel
- San Nicolas
- Balete
- San Agoncillo
- Lemery
- Taal
- Santa Teresita
- Mataas Na Kahoy
- Lipa City
- Tanauan City
Facebook Comments