Halos kalahati ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon ay naitala sa metro manila.
Base ito sa datos na ibinahagi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David kung saan 15,959 o 43 percent ng total new COVID-19 cases na naitala kahapon ay nanggaling sa National Capital Region (NCR).
Sinundan naman ito ng Cavite na nakapagtala ng 3,139 new COVID-19 cases habang ang Rizal ay mayroong 2,265 bagong kaso ng sakit.
Samantala, inihayag ni David na maaaring anim hanggang 15 beses na mas marami ang aktwal na kaso ng COVID-19 ang mayroon sa Metro Manila kumpara sa opisyal na datos ng DOH.
Paliwanag ni David, bunsod ito ng mga asymptomatic at symptomatic cases na hindi sumailalim sa confirmatory test at mga nagpositibo sa antigen test na hindi naisasama sa bilang.