Cleanfuel, muling magpapatupad ng price increase sa gasolina at diesel simula bukas

61

Abiso sa mga motorista, dahil nag-anunsyo ang kompanyang Cleanfuel na muling magtataas ito ng presyo sa kanilang mga produkto.

Batay sa kanilang inilabas na advisory, muling tataas ng .90 cents kada litro ang presyo kanilang gasolina habang 1 peso at 80 cents kada litro ang itataas naman ng presyo ng kanilang diesel.

Epektibo ang ang nasabing price increase ng Cleanfuel bukas, January 18, 2022 ng alas-4:01 ng hapon.


Noong January 11, 2022, Martes, kakapatupad pa lang ng price increase ng Cleanfuel sa mga nasabing produkto.

Facebook Comments