Ginagamit ng 45% ng mga Pilipino bilang pinagkukunan ng pondo para ipambili ng pangunahing pangangailan ang kinitang pera o sahod mula sa kanilang trabaho.
Ito ay batay sa COVID-19 Mobile Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Lumabas din sa survey na 39% ng respondents ang nagsabing ginagamit nila ang perang ipinaabot sa kanila o galing sa amelioration, 29% ang kumukuha sa kanilang personal savings, at 6% naman ang ginagamit ang pera na kanilang hiniram sa pamamagitan ng loan.
Nasa 6% naman ang hindi gumagastos dahil nakakatanggap sila ng relief goods habang nasa 2% ang nagsabing hindi sila gumagastos dahil sila mismo ang gumagapas ng kanilang pananim.
Ang survey ay isinagawa sa pamamagitan ng mobile phone at Computer-Assisted Telephone Interviewing (CATI) sa 4,010 working-age Filipinos edad 15-anyos at pataas.