Kumpiyansa ang halos kalahati ng mga Pilipino na gaganda pa ang kalidad ng kanilang buhay sa 2021 o sa susunod na 12 buwan sa kabila ng pandemya.
Batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 44% ng mga Pinoy ang positibong gaganda ang ang kanilang buhay kahit may pandemya habang 9% ang naniniwalang hindi na gaganda ang kanilang buhay.
Nasa 36% naman ang nagsabi na walang magbabago sa kanilang buhay at 11% ang walang naging tugon.
Nagbigay ito ng net personal optimism score of +35 na 33 puntos na mas mataas kumpara sa +2 na score noong Setyembre.
Mababa rin ito sa +44 na score na naitala noong Disyembre 2019.
Ang survey ay isinagawa noong Nobyembre 21 hanggang 25 sa 1,500 adult Filipino sa pamamagitan ng face-to-face interview.
Facebook Comments