DILG, nag-isyu ng show cause order laban sa alkalde ng Laoag Mayor dahil sa mass gathering

Nagpalabas ng show cause order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Mayor Michael Keon ng Laoag City.

Ito’y mataposa kumalat sa social media ang mga larawan ng inorganisa nitong Christmas gathering kung saan kasama pa ang mga barangay officials.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, pinagpapaliwanag ni Secretary Eduardo Año si Mayor Keon kung bakit hindi siya dapat maparusahan dahil sa paglabag nito sa minimum health standards dahil sa umiiral na pandemya.


Ani Malaya,bilang opisyal, si Keon ay dapat naging huwaran sa pagsunod sa health protocols ngayong may COVID-19 pandemic.

Sa inilabas na kautusan ng DILG,mahigpit na pinagbabawalan ang mga Local Government Units (LGUs) na magsagawa ng Christmas party at mga katulad na aktibidad bilang pag-iingat sa posibleng hawahan ng COVID-19 ngayong Holiday season.

Ikinatuwa naman ni Malaya na 99% ng mga LGUs ay tumatalima sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) ngayong Holiday season.

Facebook Comments