Umabot sa 47-porsyento ng mga Pilipino ang nagsasabing hindi sapat ang mga ginagawa ng pamahalaan para ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippines Sea.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 18% ang “strongly agree” habang 29% ang somewhat agree na kulang ang hakbang ng gobyerno para itaguyod ang maritime rights ng bansa.
Nasa 24% naman ang hindi sumang-ayon habang 29% ang undecided.
Lumalabas din sa survey na 68% ang sang-ayon na kailangang makipag-alyansa ang Pilipinas sa ibang bansa para depensahan ang karapatan ng bansa sa West Philippines Sea, 22% ang undecided, 10% ang hindi sang-ayon.
Bukod dito, 69% ang naghayag na mahalagang magtayo ang Pilipinas ng istraktura sa West Philippines Sea, 21% ang undecided, at 10% ang nagsabing hindi ito importante.
Nasa 77% naman ang nagsabing kailangang palakasin ng gobyerno ang military capability nito, 65% ang nagsabing kailangang magsagawa ng joint maritime patrols at military exercises sa mga kaalyadong bansa at 57% ang suportado ang full implementation ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA).
Iginiit naman ng 51% ng respondents na kailangang protektahan ang karapatan ng mga mangingisda, 17% ang undecided habang 32% ang nagsabing hindi ito kailangan.
Aabot naman sa 31% ng mga Pilipino ang nagsabing may pakinabang ang pakikipagkaibigan ni Pangulong Duterte sa sa China, 40% ang undecided, habang 29% ang nagsabing wala.
Ang survey ay sponsored ng Stratbase Albert Del Rosario (ADR) Institute na isinagawa mula June 23 hanggang 26 sa pamamagitan ng interview sa 1,200 adult respondents.