Ipinagmalaki ng Dept. of Trade and Industry (DTI) na halos karamihan sa mga reklamo ng mga Online Shoppers ay agad natutugunan.
Karamihan sa mga reklamo ay mga produktong may misleading advertisements at kulang-kulang ang specifications.
Ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez, mahalaga pa rin ang proteksyon ng mga consumer.
Ang mga nagiging tugon sa mga reklamo ay Repair, Replace, o Refund sa mga in-order na produkto.
Kaya pinapayuhan ng DTI ang mga Online Shopper na bumili lamang ng mga produkto mula sa mga Legitimate Online Shop.
Ugaliin ding basahin ang mga review bago mag-check out.
Bahasin ang Terms of Service para malaman ang gagawin sakaling makatanggap ng depektibong produkto.
Tiniyak naman ng mga nangungunang Online Shopping Applications sa bansa na Lazada at Shopee na ipinaprayoridad nila ang shopping experience ng kanilang mga customer.