Halos limang daan, patay sa landslide sa Sierra Leone, West Africa

237

West Africa – Umabot na sa apatna raan at siyamnapu’t siyam ang narekober na bangkay matapos ang landslide sa Mount Sugar Loaf dahil sa pag-ulan sa Freetown City sa Sierra Leone, West Africa.

Ayon kay Freetown Chief Coroner Seneh Dumbuya – ang mga nahukay na bangkay ay agad na inilibing sa waterloo cemetery.

Pinaniniwalaaan ng red cross na aabot pa sa mahigit anim na raan ang nawawala matapos na matabunan ang halos buong lungsod.


Ang Sierra Leone ay isa sa mga pinakamahirap na bansa sa buong mundo.

Facebook Comments