Manila, Philippines – Naniniwala ang nakararaming Pilipino na ang pera o salapi ang pinaka-pangunahing balakid para paghandaan ang anumang sakuna o kalamidad.
Base ito sa pag-aaral ng Harvard Humanitarian Initiative noong 2017 kung saan 47.5% ang nagsabing wala silang sapat na pondo para paghandaan ang kalamidad.
Mula sa nasabing bilang, 92% ng mga ito ay galing sa ARMM.
Nasa 74% naman ang nagsabing hindi sila nakapag-invest para sa disaster resilience habang 20% ang nagsabing wala silang oras para paghandaan ang kalamidad.
Lumalabas lamang na marami pa ring Pilipino ang walang hazard insurance kung saan 19% ang mayroong life insurance, 56% naman ang may health o medical insurance, tatlong porsyento ang may home insurance habang nasa 2.5% ang asset insured.
Pagdating sa assistance, 52% ng mga Pinoy ang nakatatanggap ng ayuda mula sa lokal na pamahalaan at national disaster management policies.
Nasa 4,368 na Pilipino ang tinanong ng survey sa buong bansa.