Manila, Philippines – Ibinasura ng Court of Tax Appeals (CTA) ang ₱1.39 million tax evasion case na inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa nanay ni Senator Manny Pacquiao na si Dionesia Pacquiao.
Ito ay dahil sa lack of due process.
Ayon sa Tax Appellate Court, bigo ang BIR na mapatunayan na tumanggap si ginang Pacquiao ng Pre-Assessment Notice (PAN) sa kanyang tax due.
Kaya ang itinuturing na invalid ang assessment ng BIR sa tax dues ng ina ng Pambansang Kamao.
Sinabi rin ng korte na maaaring pabulaanan ni ginang Pacquiao ang ebidensya ng BIR laban sa kanya, kabilang na ang registry receipt, isang certification na may petsang September 4, 2015 na inisyu ng postmaster ng PHLPost at isang nagngangalang Analyn N. Abrera na nakatanggap ng mail mula sa BIR na naglalaman ng PAN sa tax dues ni Dionesia.
Pinuna rin ng CTA ang BIR sa kabiguan nitong mag-isyu ng Letter of Authority (LOA) sa revenue officers na nag-audit ng tax returns ni Dionesia.