HALOS P1-M NA HALAGA NG SUPORTANG PANGKABUHAYAN, IPINASAKAMAY SA LGU DELFIN ALBANO

Cauayan City, Isabela- Ipinasakamay ng Department of Labor and Employment o DOLE Isabela sa LGU Delfin Albano ang halagang 910,200 pesos para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/ Displaced Workers o TUPAD program.

Personal itong iniabot ni DOLE Provincial Director Evelyn Yango kay Ginoong Wendel Carl Agriam bilang representative ng LGU Delfin Albano.

Nasa 164 na mga displaced at disadvantaged workers mula sa nasabing bayan ang mabebenepisyuhan sa nasabing tulong pangkabuhayan.

Ang TUPAD ay isang programa ng pamahalaan na pinapangunahan ng DOLE bilang tulong at suporta sa mga nawalan at walang trabaho maging sa seasonal na manggagawa.

Facebook Comments