Filipino-Chinese na sakay ng SUV, pinagbabaril sa harap ng Manila City Hall

1571

Isang Filipino-Chinese ang pinagbabaril habang sakay ng SUV na Toyota Fortuner sa kanto ng Victoria Street, Padre Burgos Avenue sa tapat ng Manila City Hall.

Alas- 4: 20 kaninang hapon nang mangyari ang pamamaril sa biktimang si Kim Lok Sy, 50 years old at residente ng 38 JP Rizal St., Arty Subdivision, Valenzuela City.

Ligtas naman si Sy at nasa mabuti nang kalagayan matapos na agad na maisugod sa Manila Medical Center.


Habang ang kasama nitong si Dexter Tan ay hindi naman nasaktan sa ambush.

 

Matapos ang pamamaril ay agad na tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng southbound sa Lagusnilad, Taft Avenue, Ermita, Manila.

Facebook Comments