HALOS P1-MILYONG HALAGA NG PALAY AT KAGAMITAN, NATUPOK NG APOY SA BAYAN NG MANAOAG

MANAOAG, PANGASINAN – Labis labis ang panlulumo ng animnapu’t isang gulang na magsasaka matapos lamunin ng apoy ang nasa 935, 000 pesos na halaga ng palay at mga kagamitan sa Brgy. Inamotan.

Ang mga ito ay pagmamay-ari ni Mario Garcia Concepcion na agad nagpasaklolo matapos mapansing nasusunog na ang bodega na kinaroroonan ng mga nasabing bagay.

Agad namang rumisponde ang tauhan ng Manaoag Fire Station para sa agarang pag-apula sa naturang insidente.


Ayon sa report, napag-alamang mabilis na kumalat ang apoy dahil lamang ang nasabing bodega sa light materials.

Kasama sa mga natupok ng apoy ang 400 sako ng palay, traktora at iba pang gamit sa pagsasaka at isang motorsiklo.

Samantala, patuloy pa ring inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng nangyaring sunog.###

Facebook Comments