Batay sa datos ng Provincial Engineering Office (PEO), nasa P9,249,000 ang inisyal na halaga ng nasira sa mga gusali at mga kalsada.
Nagkakahalaga naman ng mahigit P7 milyong piso ang naging pinsala sa mga horizontal infrastructure ng bagyo.
Dahil sa malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan na nagdulot rin ng mga landslide, nagtala ng mga “eroded shoulder” ang mga daan sa mga bayan ng Baggao, Iguig, Amulung, Alcala, Penablanca, Sto. Nino, Pamplona, Lal-lo, Sta. Teresita at Allacapan, Ballesteros, Abulug at Sanchez Mira.
Habang minimal lamang o nasa P184,000 pesos naman ang inabot ng pinsala sa epekto ng bagyo sa mga vertical infrastructure.
Tanging mga leak sa ceiling at gutter at ilang piraso ng bubong naman ang natanggal at nabasag na salamin sa mga gusali sa mga opisina sa Anquiray Farm School sa Amulung at sa Capitol Grounds sa Alimanao, Peñablanca.
Nag-iwan din ng pinsala ang bagyo sa mga District hospital ng lalawigan na aabot sa P1.85 milyon.
May kaunting naitalang sira sa Baggao District Hospital, Alcala Municipal Hospital at Northern District Hospital sa Sanchez Mira habang nabaha naman ang lumang building ng Lasam District hospital maging ang dietary building nito.
Ayon kay Engr. Vincent Taguba, OIC-PEO, ang mga nasabing sira ay minimal lamang at wala namang major damage.