Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagtalaga na nang chairman ng Philippine Sports Commission

68

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Jose Emmanuel Eala bilang chairman ng Philippine Sports Commission.

Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles.

Batay ito sa pinirmahang appointment letter ni Executive Secretary Victor Rodriguez na epektibo kahapon, August 30 ang appointment ni Eala.


Si Eala ay Filipino Sports Executive at nagsilbi itong 6th commissioner ng Philippine Basketball Association (PBA) mula taong 2003 hanggang 2007.

Facebook Comments