Halos P100-M tulong, naipagkaloob ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng masamang panahon sa ilang rehiyon sa bansa

Bumubuhos ang tulong para sa ating mga kababayan na naapektuhan ng sama ng panahon bunsod nang pinagsamang Low Pressure Area, Northeast Monsoon at shearline simula Enero-2.

Sa katunayan, nasa halos P100-M na ang tulong na naibigay ng gobyerno sa mga apektadong residente.

Kabilang sa mga naipamahaging tulong ay ang family food packs, assorted goods, hygiene kits, family kits, sleeping at kitchen kits, gasolina, collapsible water container, hot meals, jerry cans, mga gamot, bitamina at maraming iba pa.


Ibinigay ang tulong sa mga apektadong residente sa Regions 2, 3, MIMAROPA, CALABARZON, Regions 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Base sa pinaka huling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nasa kabuuang 475,680 pamilya o katumbas ng mahigit 1.9 milyong indibidwal ang naapektuhan ng sama ng panahon sa mga nabanggit na rehiyon.

Facebook Comments