
Maglalabas ang Department of Education (DepEd) ng resulta ng kanilang ginagawang review sa K to 12 curriculum.
Bahagi ito ng ilalabas ng DepEd na malawak na report sa basic education sector.
Nakapaloob ito sa Basic Education Report 2023 (BER) na ilalabas ng departamento sa January 30.
Kabilang sa magiging laman nito ang estado ngĀ basic education sa bansa at mga planong ipapatupad ng DepEdĀ bilang bahagi ng kanilang mandato.
Facebook Comments