
Magpapaabot ng halos P14 million na halaga ng tulong ang gobyerno ng United States para sa mga biktima at nasalanta ng malawakang pagbaha sa Luzon.
Ito’y dahil sa mga sunod-sunod na bagyo na pumasok sa bansa na pinaigting pa ng Habagat.
Ayon kay U.S Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson, maglalaan ang US government ng 250,000 US dollars o katumbas ng P13.8 milion na pondo para sa United Nations World Food Programme (WFP).
Tulad na lamang ng pagbiyahe ng mga pagkain sa mga lugar na naapektuhan at nasalanta sa buong Metro Manila, Northern at Central Luzon, gayundin sa CALABARZON.
Ilalaan ang itinalagang pondo sa pamamagitan ng U.S Department of States’ Bureau of Population, Refugees, and Migration na gagamitin upang suportahan ang government relief operation.
Samantala, nakikipag-ugnayan naman na ang gobyerno ng U.S sa gobyerno ng Pilipinas para matiyak na makakarating ang kanilang tulong sa mga nangangailangan.









