Friday, March 13, 2026

Halos P143 milyong halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Quezon City; 2 high-value individuals, naaresto ng PDEA at PNP

Naaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang dalawang high-value individuals sa ikinasang buy-bust operation sa kahabaan ng Biak-na-Bato Street, Barangay Santo Domingo, Quezon City, Philippines.

Kinilala ang mga suspek sa mga alyas na “Longhair,” 28 taong gulang, at “Rolando,” 42 taong gulang.

Narekober sa kanila ang 21 kilo ng hinihinalang shabu na nakasilid sa mga container at tinatayang nagkakahalaga ng P142.8 million.

Bukod sa ilegal na droga, narekober din sa kanila ang markadong buy-bust money na may kasamang boodle money, mga identification card, cellular phones, isang sasakyan, digital weighing scale, at isang waist bag.

Ang mga naarestong indibidwal at ang mga nasamsam na ebidensya ay dinala sa mga awtoridad para sa dokumentasyon at paghahanda sa kasong isasampa laban sa kanila.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o Republic Act No. 9165.

Facebook Comments