Halos P16-M halaga ng shabu, nasabat sa NAIA warehouse

65

Nasabat ng mga otoridad ang 2,300 grams ng shabu na nagkakahalaga ng Php15.64 million sa FedEx warehouse sa NAIA.

Ang dalawang shipments na mula sa Malaysia ay ideneklarang mga damit.

Ang mga nakumpiskang iligal na droga ay nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa mga nasa likod ng importasyon.


Hindi naman nabanggit ng Bureau of Customs kung sino ang consignee ng kargamento at kung ano ang address nito.

Facebook Comments