Mga piggery at poultry farms sa Quezon City tuluyan ng ipinagbawal; ilang may-ari nangakong magsasara na ngayong Nobyembre

76

Tuluyan nang ipinagbabawal ng Quezon City Local Government ang piggery at poultry raising sa naturang syudad.

Base sa datos ng City Veterinary Department, 14 sa kabuoang 17 barangays na dating may backyard farms at piggeries ang na-phased out na.

Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte sa ngayon ang Barangay Payatas, Sta. Lucia at Old Balara ang mayroon na lamang 26 na piggeries.


Pero nangako naman ang mga ito na isasara na ang operasyon ngayong buwan ng Nobyembre.

Tiniyak naman ng alkalde na bibigyan sila ng alternatibo na pangkabuhayan para magkaroon ng iba pang source of income para sa kanilang pamilya.

Facebook Comments