Nasabat ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang 30 kahon ng smuggled na sigarilyo sa Magay Public Market sa Zamboanga City.
Naaresto ang dalawang driver ng truck na may karga ng mga smuggled na sigarilyo na aabot sa P900,000 halaga.
Isinagawa ang operasyon ng pinagsamang puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Coast Guard (PCG), matapos makatanggap ng ulat mula sa ilang sangkot sa nasabing smuggling sa pamilihan.
Sa ngayon ay dinala na sa NBI ang dalawang naaresto upang imbestigahan at sasampahan na rin ng mga kaukulang kaso.
Facebook Comments