Pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Recto nilusob ng mga tauhan ng NBI  

Nilusob ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang hinihinalang pagawaan ng mga pekeng dokumento sa Recto.

Naaresto ang anim na katao na huli sa aktong gumagawa ng mga pekeng ID ng Social Security System (SSS), Tin, Barangay Clearance, NBI Clearance, Diploma, at iba pa.

Ayon kay Ronald Gacula, Chairman ng nasabing Barangay, aminado sila na hirap silang tukuyin kung alin ang ilegal na establisyimento na kanilang sakop.


Aniya, ang iba ay ginagawa lamang na front ang mga pagawaan ng wedding invitations at sa loob ay malalaman na lamang na pagawaan pala ito ng mga pekeng dokumento.

Ayon sa International Airport Investigation Division ng NBI, isa ang Pasaporte sa mga madalas pinepeke ngayon.

Sa ngayon ay target ng ahensiya na mapasara ang mga kapareho pang negosyo sa Recto.

Facebook Comments