HALOS P40-M HALAGA NG INFRA PROJECTS SA BAGGAO, CAGAYAN, PINASINAYAAN

Cauayan City, Isabela- Pinasinayaan na ang halos P40 milyong halaga ng mga proyektong imprastraktura ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa bayan ng Baggao sa pangunguna ni Governor Manuel Mamba sa pagkongkreto sa San Jose-Imurung Road na mayroong habang 1.080 kilometro na nagkakahalaga naman ng P11,147,841.38 milyon.

Pinasinayaan din ang Baybayog-Baggao-Imurung Road na may habang 1.198 kilometro na pinondohan ng mahigit P14 milyon.

Aabot sa 2.278 kilometro ang bagong sementadong daan sa naturang bayan kung saan matagal nang hinahangad ng mga residente sa lugar na makongkreto ang kanilang kalsada dahil pahirapan ang biyahe kapag maulan ang panahon.

Samantala, pinasinayaan din ngayong araw ang perimeter fence at laundry area ng Baggao Hospital na nagkakahalaga ng P5 milyon.

Nagkaroon din ng general repair dito at rewiring kung saan nasa P5 milyon rin ang nailaang pondo.

Bukod dito, nagbaba rin ng pondo sa naturang bayan ang pamahalaang panlalawigan ng aabot sa P24.8 para pa rin sa “No Barangay Left Behind” program ng probinsya.

Kasabay rin nito ang pamamahagi ng PGC ng PNP patrol car, RHU patient transport vehicle at ultralow freezer sa lugar.

Facebook Comments