Cauayan City, Isabela- Naipagkaloob na sa lokal na pamahalaan ng San Mariano ang halagang P4.7 Milyong piso para sa proyektong Payapa at Masaganang Pamayanan o PAMANA project.
Ang nasabing halaga ay nakalaan para sa paggawa ng labing-walo na dugwell at apat na multi-purpose drying pavement sa labing dalawang (12) barangay ng nasabing bayan.
Ito ay aprubado at inilaan ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPAPP na layong matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan o barangay na nasa laylayan ng kabundukan.
Nagpapasalamat naman ang ama ng nasabing bayan na si Mayor Edgar Go dahil sa pagtugon ng gobyerno sa matagal ng hinaing ng mga mamamayan ng San Mariano na lubos na makakatulong para sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan at upang maitaas ang antas ng agrikultura sa kanilang mga barangay.
Inihayagn naman ni LTC Lemuel A. Baduya INF (GSC) PA, ang Battalion Commander ng 95IB na ang tagumpay ng kasundaluhan ay tagumpay ng buong LGU ng San Mariano.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbibigay ng suporta sa mga programa ng kasundaluhan lalong-lalo na sa pagpapanatili ng kaayusan at paghahatid ng mga pangunahing pangangailan ng buong bayan.