Mayorya ng mga Pilipino ay handang magpabakuna laban sa COVID-19 kung ito ay available na ngayon.
Sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 66% ang nagsabing gusto nilang makakuha ng COVID vaccine habang 31% ang ayaw.
Mas maraming Pilipino sa Mindanao ang gustong magpabakuna laban sa COVID na nasa 73%, kasunod ang Visayas na may 69%, Metro Manila na may 64% at Balance Luzon na nasa 61%.
Maraming lalaki ang gustong magpaturok ng COVID vaccine na nasa 71% kumpara sa mga babae na nasa 60%.
Malaki ang pinagkaiba ang survey na ito sa 2019 survey kung saan 62% ng mga Pilipino ang kontra sa pagbebenta ng Dengvaxia o anti-dengue vaccine sa bansa.
Ang survey ay isinagawa mula September 17 hanggang September 20 gamit ang mobile phone at computer-assisted telephone interviews sa 1,249 adult Filipinos sa buong bansa.