MANILA – Bilang paghahanda sa paggunita ng undas sa Metro Manila aabot sa sampung libong pulis ang ipapakalat sa darating na Oktubre 29 hanggang sa Nobyembre 2.Layunin nito na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan na dadagsa sa ibat-ibang sementeryo sa Maynila para dalawin ang kani-kanilang mahal sa buhay na namayapa na.Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Chief Inspector Kimberly Molitas, kabilang sa babantayan ng mga pulis ay ang mga sementeryo, terminal ng bus, airport, simbahan at iba pang pampublikong lugar.Nakahanda na rin ang mga bomb experts, K9 units, at mga armas na gagamitin sakaling magkaroon ng gulo sa paggunita ng undas.
Facebook Comments