Aabot sa 2.8 milyong estudyante sa Pilipinas ang nakapagparehistro sa unang araw ng enrollment para sa nalalapit na school year 2022-2023.
Batay ito sa datos ng Department of Education (DepEd) as of 7:35pm kagabi, July 25 kung nakapagtala ng 2,808,779 na kabuuang enrollees.
Ayon sa DepEd, wala silang naitalang major issues o untoward incidents sa kasagsagan ng enrollment process.
Nagpasalamat naman ang ahensya sa lahat ng kanilang tauhan, volunteers at stakeholders para sa maayos na proseso ng unang araw ng enrollment.
Batay sa DepEd Order No. 35, magtatagal ang enrollment para sa school year 2022-2023 hanggang August 22, 2022 kung pwedeng isagawa sa tatlong pamamaraan katulad ng in-person, remote o via drop box.
Facebook Comments